Tsina, kumakatig sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran

2018-01-14 14:23:36

Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag tungkol sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, ipinahayag nitong Sabado, Enero 13, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na di-madaling nakuha ang nasabing kasunduan, at dapat lubos itong pahalagahan ng iba't-ibang panig.

Ani Lu, sa mula't mula pa'y buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang naturang komprehensibong kasunduan. Aniya, ang kasunduan ay mahalagang bunga ng multilateralismo, at naging modelong lutasin ang mainit na isyung pandaigdig sa pulitikal at diplomatikong paraan.

Dagdag pa niya, ang paggarantiya sa pagsasakatuparan ng kasunduang ito ay may mahalagang realistikong katuturan para mapangalagaan ang kayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan at sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear sa daigdig, at umaaangkop sa pundamental na kapakanan ng iba't-ibang panig.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino