Pangalawang pangkalahatang kalihim ng ASEAN, positibo sa karanasang pangkaunlaran ng Tsina

2018-01-17 10:40:43 CRI

Ipinahayag Enero 15, 2018 ni AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN ang pag-asang aaralin ng mga bansang ASEAN ang karanasang pangkaunlaran ng Tsina.

Winika ito ni AKP Mochtan sa 2018 new year celebration ng mga trainees ng international training ng Tsina at ASEAN, na inisponsor ng pamahalaang Tsino. Aniya, nakikinabang ang mga bansa ng ASEAN sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan at lipunan, mula sa nasabing mga pagsasanay ng Tsina. Umaasa aniya siyang lalahok ang mas maraming taga-ASEAN sa pagsasanay na ito, para ibayong magkasamang pasulungin ang mainam na pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa ibat-ibang larangan.

Ipinahayag naman ni Jiang Qin, Charge D' affaires ng Mission ng Tsina sa ASEAN, na ang nasabing pagsasanay ay para tupdin ang pangako ng lideratong Tsino hinggil sa pagtatatag ng community of shared future ng sangkatauhan, para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad.

Hanggang taong 2017, 105 taga-ASEAN ang lumahok sa nasabing pagsasanay, na may-kinalaman sa larangan ng makro-ekonomiya, kalakalan, pinansya, transportasyon, turismo, edukasyon, media, cyber security, at iba pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino