Resulta ng kabuhayang Tsino noong 2017, lumabas na

2018-01-18 16:17:57

Noong isang taon, umabot sa 82.7 trilyong Yuan, RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 6.9% kumpara sa taong 2016.

Ipinahayag sa Beijing Huwebes, Enero 18, 2018, ni Ding Jizhe, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na noong isang taon, matatag na bumuti ang pambansang kabuhayan. Ito aniya ay mas mabuti kaysa inaasahan.

Ayon sa pinakahuling estadistika, hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, halos 1.4 bilyon ang populasyon ng Tsina (di-kabilang ang Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Macao (MacaoSAR), Taiwan, at mga overseas at ethnic Chinese).

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino