Bilang ng bagong-silang ng Tsina noong 2017, bumaba; Kalahati nito, pangalawang anak

2018-01-19 15:14:59 CRI

Beijing, Tsina-Ayon sa datos na ipinalabas Huwebes, Enero 18, 2018, ng National Bureau of Statistics Tsina, noong taong 2017, umabot sa 17.23 milyon ang bilang ng mga bagong-silang ng bansa. Ito ay mas mababa nang 630,000 kumpara sa bilang noong 2016. Samantala, hanggang sa katapusan ng 2017, umabot sa 1,390,080,000 ang kabuuang bilang ng populasyon ng Chinese Mainland at tumaas ng 7.37 milyon kumpara sa gayunding panahon ng 2016.

Bilang tugon sa pagtanda ng populasyon, simula noong 2016, pinahihintulutan ng Pamahalaang Tsino ang mga magulang na magkaroon ng pangalawang anak.

Ayon sa datos, kalahati ng nasabing mga bagong-silang ay pangalawang anak ng pamilya. Ito ay mas mataas kumpara sa bilang noong 2016.

Gayunpaman, ipinakikita ng survey na dahil sa isyung pinansyal, pangkarera at pag-aalaga ng bata, nag-aatubiling magkaroon ng pangalawang anak ang mga pamilyang Tsino.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino