Tsina, magdudulot ng parami nang paraming positibong elemento sa daigdig

2018-01-27 15:14:36 CRI

Sa katatapos na taunang pulong ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland, ang prospek ng kabuhayang Tsino at ambag ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig ay isa sa mga pangunahing paksang tinalakay ng iba't ibang panig.

Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-26 ng Enero 2018, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, magdudulot ang Tsina ng parami nang paraming positibong elemento para sa komong pag-unlad ng daigdig at pagtatatag ng "community of shared future."

Sinabi ni Hua, na nakikita sa iba't ibang aspekto ang ambag ng Tsina sa pag-unlad ng daigdig. Halimbawa aniya, sa aspekto ng kabuhayan, noong isang taon, namuhunan ang Tsina ng 120 bilyong Dolyares sa labas ng bansa, at inangkat ang halos 2 trilyong Dolyares na paninda. Ang Tsina aniya ay nagbibigay ng maraming pagkakataon sa iba't ibang bansa sa mga aspekto ng pamilihan, pamumuhunan, at pag-unlad.

Sinabi rin niyang ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina ay tinatanggap ng maraming bansa, bilang magandang paraan para pabutihin ang pandaigdig na pangangasiwa, at pasulungin ang pandaigdig na kooperasyon.

Dagdag pa ni Hua, nagbigay na ng ambag at patuloy na magbibigay ng ambag ang Tsina para sa pagpapasulong sa pagsasakatuparan ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, pagharap sa pagbabago ng klima, pagkontrol at pagpigil sa polusyon, pagbabawas ng kahirapan sa daigdig, at iba pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino