Pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones, angkop sa kapakanan ng dalawang bansa — Wang Yi

2018-01-28 15:08:09

Beijing- Sa kanyang pakikipagtagpo sa kanyang Japanese counterpart na si Taro Kono, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng paglalagda ng kasunduang pangkapayapaan at pangkaibigan ng Tsina at Hapon. Ito aniya ay may espesyal at mahalagang katuturan para sa relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ni Wang na ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Hapones ay angkop sa kapakanan ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay komong mithiin ng iba't-ibang sirkulo ng lipunan ng dalawang bansa.

Dagdag pa niya, umaasa ang Tsina na kasama nitong magsisikap ang Hapon, upang mapasulong ang pagbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa normal at malusog na landas ng pag-unlad, sa lalong madaling panahon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino