Pagsabog sa Afghanistan, mahigpit na kinondena ng Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2018-01-30 09:16:55 CRI

Isang suicide car bombing ang naganap kamakailan sa Kabul, kabisera ng Afghanistan. Ang lugar ng pagsabog ay may 600 metro ang layo sa Embahada ng Tsina sa bansa.

Ipinahayag Enero 29, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mahigpit na pagkondena sa insidenteng ito. Aniya, sa kasalukuyan, wala pang naiulat na kasuwalti ng mga mamamayang Tsino.

Ipinahayag ni Hua, na tinututulan ng Tsina ang anumang teroristikong aktibidad. Sinusuportahan aniya ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Afghani sa pagbibigay-dagok sa terorismo, at pangangalaga sa katatagan ng estado at seguridad ng mga mamamayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino