Opinyong publiko hinggil sa balangkas ng work report ng pamahalaang Tsino, hiningi

2018-02-02 11:49:34 CRI

Beijing, Tsina-- Hiningi ng pamahalaang Tsino para sa government work report ang mga kuru-kuro at suhestsyon ng mga kinatawan mula sa mga sektor ng edukasyon, siyensya't teknolohiya, kultura, kalusugan, isports, at karaniwang mamamayang Tsino ang Ang nasabing work report ay isusumite sa taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina para suriin. Magbubukas ang sesyon sa Marso 5, 2018.

Siyam na kinatawan mula sa nabanggit na mga sektor ang lumahok sa symposium, Huwebes, Pebrero 1, at naghain ng kani-kanilang palagay. Si Premyer Li Keqiang ang nangulo sa symposium.

Si Premyer Li habang nangungulo sa symposium para humingi ng kuru-kuro hinggil sa taunang government report, sa Beijing, Enero 31(Xinhua/Zhang Duo)

Sinabi ni Dou Xiankang, Presidente ng Wuhan University, na kailangang suportahan ng pamahalaang Tsino ang mga talento sa pagganap ng karapat-dapat na papel para maging dalubhasa ang sarili at ang unibersidad.

Iminungkahi naman ni Fan Jinshi, Presidenteng Parangal ng Dunhuang Academy, ang ibayo pang pagsisikap para pangalagaan at tumpak na gamitin ang pamanang kultural. Ang Dunhuang ay banal na lugar na Budista na kilala sa daigdig.

Iniharap naman ni Lang Ping, Punong Tagasanay ng Chinese Women's Volleyball Team, ang mungkahi na ipagkaloob ng pamahalaan ang mas maraming pampublikong pasilidad na pampalakas ng katawan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino