Isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, hiwalay sa isyung pampulitika-Tsina

2018-02-02 11:43:53 CRI

Ipinahayag kamakailan ni Panulong Donald Trump ng Amerika sa 2018 State of the Union Address, na ang Tsina at Rusya ay mga kakumpitensya ng Amerika.

Kaugnay nito, ipinahayag unang araw ng Pebrero, 2018 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na hindi dapat ilagay ng Amerika ang mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan sa larangang pampulitika. Aniya, bilang magkatuwang sa kalakalan at pamumuhunan, naitatag na ng Tsina at Amerika ang mahigpit na partnership sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan. Aniya, umabot sa 580 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig, noong 2017. Aniya, ang win-win situation na may mutuwal na kapakinabangan ay nagsisilbing batayan at nukleo ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at ito ay angkop sa komong interes ng dalawang panig at mga mamamayan nito.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino