CFPD, nagbigay-tulong sa pag-unlad ng Cambodia

2018-02-05 11:07:21

Idinaos sa probinsyang Takeo, Cambodia nitong Linggo, Pebrero 4, 2018, ang seremonya ng paglilipat ng dalawang preperensyal na proyekto para sa mga mamamayan. Ang dalawang proyektong ito ay nasa ilalim ng pagtulong at pagtatayo ng China Foundation for Peace and Development (CFPD). Kabilang sa mga ito ay isang teaching building na may 12 silid-aralan, at isang proyektong patubig.

Dahil sa nasabing dalawang proyekto, napabuti ang kapaligirang lokal ng pagtuturo, at dumarami nang dumarami ang bilang ng mga estudyante. Bukod dito, nakikinabang din ang mga magsasaka sa apat na nayon ng probinsyang Takeo.

Ipinahayag ni Yu Xiaoxuan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng CFPD, na layon ng naturang dalawang proyekto na isakatuparan ang mithiin ni dating Pangalawang Punong Ministro Sok An ng Cambodia. Noong buhay pa siya, nag-aplay si Sok An sa Tsina upang bigyang-tulong ang mga mamamayan sa probinsyang Takeo.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino