Bagong teknolohiya at serbisyo, nagbibigay-tulong sa 2018 Spring Festival Travel Rush

2018-02-05 15:56:22

Pumasok na sa ika-5 araw ang 2018 Spring Festival Travel Rush. Salamat sa mga nagagamit na bagong teknolohiya at serbisyo, nagiging mas mainam ang karanasan ng mga pasahero, at nagiging ligtas, maayos, at matatag ang operasyon ng mga daam-bakal, kumpara sa mga nakalipas na katulad na panahon.  

Upang bigyan ng mas mainam na serbisyo ang nasabing okasyon, itinaas ng Train Ticket Center ang kakayahan ng online ticketing system. Bunga nito, tumaas sa 15 milyong ticket ang naibebenta bawat araw mula 10 milyon. 

Sapul noong isang taon, binuksan ng Train Ticket Center ang mas maraming bagong pungsyon na magbibigay-ginhawa sa mga mamamayan, bagay na nagkakaloob ng mainam na paglalakbay sa mga pasahero.  

Bagong teknolohiya at serbisyo, nagbibigay-tulong sa 2018 Spring Festival Travel Rush

Isa pang tampok sa 2018 Spring Festival Rush ay paggamit ng face recognition equipment. Napag-alamang sa panahon ng okasyong ito, 1,000 face recognition equipment ang nagagamit sa iba't-ibang malalaking train station sa buong bansa.  

Bagong teknolohiya at serbisyo, nagbibigay-tulong sa 2018 Spring Festival Travel Rush

Bukod dito, nagsagawa ang mga malalaking train station ng isang serye ng hakbang para bigyang-ginhawa ang mga mamamayan upang mapabuti ang damdamin ng mga pasahero sa paghihintay ng tren. Halimbawa, dinagdagan ang mga mobile phone charging equipment, at isinaoperasyon ang 19 na navigator sa loob ng mga istasyon ng tren.  

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino