Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, dadalaw sa Amerika

2018-02-06 12:54:36 CRI

Ipinatalastas noong ika-5 ng Pabrero, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika, dadalaw si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina sa Amerika mula ika-8 hanggang ika-9 ng buwang ito.

Sinabi ni Geng na nagpahayag kamakailan ang kapuwa dalawang panig na patuloy na panatilihin at palakasin ang ugnayan at pagpapalitan sa iba't ibang larangan. Sa panahon ng pagdalaw, makikipagpalitan si Yang ng mga palagay sa panig ng Amerika hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at mga isyung pandaigdig at panrehiyon.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino