Domestic tourism market ng Tsina sa Spring Festival, aabot sa 385 milyong person-time

2018-02-06 15:29:46

Beijing - Ipinahayag Martes, Pebrero 6, 2018, ni Wang Xiaofeng, Pangalawang Puno ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, na sa panahon ng darating na Spring Festival, aabot sa 385 milyong person-time ang domestic tourism market ng buong bansa. Ito ay mas malaki ng 12% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Aabot naman sa 476 bilyong Yuan, RMB ang domestic tourism income na lalaki ng 12.5% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

Sa isang news briefing nang araw ring iyon, isinalaysay ni Wang na ang paglalakbay ay nagsisilbing isang mahalagang porma ng pagdaraos ng mga mamamayang Tsino ng Spring Festival. Mananatili pa ring masigla ang tourism market ng bansa sa darating na Spring Festival.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino