Chinese Market sa Spring Festival, magiging matatag at maayos

2018-02-06 15:32:17

Beijing - Ipinahayag Martes, Pebrero 6, 2018, ni Wang Bingnan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa darating na Spring Festival, magiging matatag at maayos ang pamilihan ng bansa. Ayon sa pagtaya, sa panahon ng kapistahang ito, aabot sa 900 bilyong Yuan, RMB ang bolyum ng benta ng retail industry at food and beverage enterprise. Ito aniya ay mas malaki ng 10% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Ani Wang, palalakasin ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pagmo-monitor sa pamilihan upang maigarantiya ang sapat na suplay ng mga paninda sa pamilihan sa panahon ng Spring Festival.

Salin: Li Feng


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino