Lider ng Tsina at Netherlands, nag-usap

2018-02-08 09:12:03 CRI

Kinatagpo Pebrero 7, 2018 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang maybahay na si Peng Liyuan ang dumadalaw na si Haring Willem-Alexander at Queen Maxima ng Netherlands.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pagtanggap sa biyahe ng mga bisita mula sa Netherlands, sa bisperas ng Chinese New Year, tradisyonal na kapistahan ng Tsina.

Ipinahayag ng Pangulong Tsino na sa kanyang biyahe sa Netherlands noong 2014, nagkasundo ang dalawang panig hinggil sa pagpapasulong ng pragmatiko at komprehensibong partnership, at binalangkas nito ang pambansang planong pangkaunlaran ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Haring Willem ang pagbati sa Pangulong Tsino at mga mamamayang Tsino. Umaasa aniya siyang matatamo ng Tsina ang mas malaking tagumpay sa ibat-ibang larangan, sa taong 2018.

Aniya, bilang pangatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina sa Unyong Europeo, nakahanda ang Netherlands na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang palawakin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kalakalan, at itatag ang mas bukas na pamilihan. 

Nang araw ring iyon, nakipag-usap din si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga bisita ng Netherlands.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino