Haba ng mga lansangan sa kanayunan ng Tsina, halos abot sa 4 na milyong kilometro

2018-02-08 13:11:57 CRI

Beijing, China—Sa kasalukuyan, abot sa 3.96 na milyong kilometro ang haba ng mga lansangan sa kanayunan ng Tsina. Samantala, 99% ng mga nayon at bayan sa Tsina ang nararating sa pamamagitan ng lansangang aspalto at semento, gamit ang bus.

Ito ang ipinahayag ni Li Xiaopeng, Ministro ng Trasportasyon ng Tsina, Miyerkules, Pebrero 7, 2018.

Idinagdag pa ni Li na ang transportasyon ay laging "bottleneck" para sa kaunlaran ng kanayunan ng Tsina, at ang paglalatag ng lansangan ay napakahalaga sa pagpapayaman ng mga magsasakang Tsino. Nitong limang taong nakalipas, umabot sa 1.27 milyong kilometro ang bagong-latag na lansangan sa mga lugar na rural.

Ipinagdiinan din ni Li na sa hinaharap, pabubutihin ng Tsina ang mga may kinalamang batas para matiyak ang kalidad ng mga daan at palakasin ang pangangasiwa sa mga lansangan sa kanayunan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino