Registered user ng mga shared bike sa Tsina, di-kukulangin sa 2 bilyon

2018-02-08 13:32:34

Miyerkules, Pebrero 7, 2018, ipinahayag ni Liu Xiaoming, Pangalawang Ministro ng Transportasyon ng Tsina, na sa kasalukuyan, may 23 milyong shared bike sa pamilihan ng Tsina, at di-kukulangin sa 2 bilyon ang bilang ng mga registered user nito. Aniya, sa malapit na hinaharap, ilalabas ng Tsina ang bagong dokumento, para maigarantiya ang kaligtasan ng deposito ng shared bike.

Sa kasalukuyan, ang shared bike ay nagsisilbing isa sa mga pinakapopular na luntiang paraan ng pamamasyal ng bansa, pero nangingibabaw ang ilang problema sa proseso ng paggamit ng shared bike, na gaya ng kahirapan sa muling pagkuha ng deposito. Kaugnay nito, sinabi ni Liu na inisyal na itinakda ng mga kinauukulwang departamento ang mga patakaran at dokumento, para maigarantiya ang kaligtasan ng deposito ng shared bike. May pag-asang ilalabas aniya ang mga ito sa malapit na hinaharap.

Bukod dito, kaugnay ng di-maayos na pagparada ng mga shared bike, ipinahayag ni Liu na pinapalakas ng mga kinauukulang bahay-kalakal ang kooperasyon sa mga namamahalang departamento, para hanapin ang bagong modelo ng pangangasiwa, at pabutihin ang kapaligiran ng pagparada ng bisikleta sa pamamagitan ng bagong teknolohiya.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino