Diyalogo ng Timog at Hilagang Korea, suportado ng Tsina-Ministring Panlabas ng Tsina

2018-02-09 10:50:20 CRI

Pebrero 8, 2018, Beijing-“Bilang kapitbansa ng Timog at Hilagang Korea, positibo ang Tsina sa ilang diyalogong isinasagawa simula kamakailan ng Timog at Hilagang Korea dahil sa Olimpiyada ng Pyeongchang.”

Ito ang winika ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa isang preskon pagkaraan ng Pampitong Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Aprika, na pinanguluhan niya, kasama ni Tagapangulong Moussa Faki ng Unyong Aprikano.

Ipinahayag pa ni Wang ang pag-asang ipagpapatuloy ng naturang dalawang bansa, pagkatapos ng nasabing olimpiyada, ang kanilang diyalogo. Samantala, inaasahan din aniya ng Tsina na lalawak pa ang diyalogo, at lalahok dito ang mga may-kinalamang panig sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, na kinabibilangan ng pag-uusap ng Hilagang Korea at Amerika, para maisakatuparan ang “ligtas sa sandatang nuklear” at pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa peninsula ng Korea.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino