Magtulungan ang iba't ibang bansa para sa pandaigdig na pangangasiwa sa sandatang nuklear--opisyal na Tsino

2018-02-19 13:08:28 CRI

Natapos kahapon, Linggo, ika-18 ng Pebrero 2018, sa Munich, Alemanya ang Ika-54 na Munich Security Conference. Sa isang porum ng pulong hinggil sa nuclear security, bumigkas ng talumpati si Fu Ying, Puno ng Komite sa Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

Sinabi ni Fu, na ang sandatang nuklear ay pinakamalakas na sandatang pamuksa, at batay sa responsableng atityud, dapat magtulungan ang iba't ibang bansa, para pasulungin ang pandaigdig na pangangasiwa sa sandatang nuklear.

Dagdag ni Fu, iginigiit ng Tsina ang prinsipyong hindi mauna sa paggamit ng sandatang nuklear, at ang pangako ring hindi gumamit ng sandatang nuklear o manakot sa paggamit nito sa mga bansa at rehiyong walang sandatang ito. Aniya pa, kumakatig ang Tsina sa lubusang pagbawal at pagwasak ng sandatang nuklear.

Iniharap din ni Fu, na dapat igarantiya ng limang bansang may sandatang nuklear ang estratehikong katatagan sa buong daigdig, patuloy na pasulungin ang denuklearisasyon, at pangalagaan ang sistema ng di-pagpapalaganap ng nuklear.

Kaugnay naman ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, sinabi ni Fu, na nanininindigan ang Tsina sa walang nuklear na peninsulang ito, at mahigpit sa pagpapatupad ng mga may kinalamang resolusyon ng United Nations Security Council. Kumakatig din aniya ang Tsina sa paglutas sa pagkabahala ng Hilagang Korea sa seguridad, sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino