386 na milyong person time na turistang Tsino, pumasyal sa loob at labas ng bansa sa bakasyon ng Chinese New Year

2018-02-22 10:19:57 CRI

Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Miyerkules, ika-21 ng Pebrero 2018, ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, sa katatapos na 7-araw na bakasyon ng Chinese New Year mula noong ika-15 hanggang ika-21 ng buwang ito, umabot sa 386 na milyong person time ang bilang ng mga turistang Tsino na pumasyal sa loob at labas ng bansa, at ang bilang na ito ay lumaki ng 12.1% kumpara sa gayunding bakasyon noong isang taon. Samantala, umabot sa 475 bilyong yuan RMB ang kita sa sektor ng turismo, at lumaki ito ng 12.6%, kumpara noong isang taon.

Ayon pa rin sa estadistika, sa naturang bakasyon, naglakbay ang mga turistang Tsino sa 68 bansa at rehiyon ng daigdig. Kabilang dito, ang mga bansa sa Timog-silangang Asya ay nanatiling unang pili ng mga Tsino.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino