Hari at Inang Reyna ng Kambodya, kinatagpo ni Yang Jiechi

2018-02-26 10:38:57

Beijing - Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Linggo, Pebrero 25, 2018, kina Haring Norodom Sihamoni at Inang Reyna Norodom Monineath ng Kambodya, ipinaabot ni Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang taos-pusong pangungumusta at mainam na pagbati mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang asawa.

Sinabi ni Yang na sa pagkakataon ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Cambodia sa taong ito, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Cambodia upang mapasulong ang mas mabilis na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ng panig Kambodyano na kasalukuyang kinakaharap ng relasyon ng dalawang bansa ang malawakang prospek ng pag-unlad.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino