Press Center ng mga sesyon ng NPC at CPPCC, nagsimulang tumakbo

2018-02-27 16:13:10 CRI

Sinimulan ngayong araw, Martes, ika-27 ng Pebrero 2018, ang operasyon ng Press Center ng mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Ang nasabing dalawang pulong ay magkahiwalay na bubuksan sa Beijing sa ika-5 at ika-3 ng darating na Marso.

Maglilingkod ang Press Center na ito sa mahigit 3 libong mamamahayag na Tsino at dayuhan, na naka-rehistro sa pagkober sa naturang dalawang sesyon. Itataguyod din nito ang mga preskong lalahukan ng mga deputado ng NPC at kagawad ng CPPCC.

Sa kauna-unahan namang okasyon sa taong ito, itatalaga ng Press Center sa Great Hall of the People, lugar na pagdarausan ng mga pangunahing pulong ng NPC at CPPCC, ang "deputies' passage," kung saan puwedeng kapanayamin ng mga mamamahayag ang mga deputado ng NPC.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino