Express delivery ng Tsina, nangunguna sa daigdig; kauna-unahang regulasyon hinggil dito, pinagtibay

2018-02-28 11:31:30 CRI

Beijing, Tsina-Noong taong 2017, umabot sa 40.06 bilyon ang bilang ng mga express package na ipinadala sa Tsina. Ito ang ika-apat na taong singkad na nahahanay ang Tsina sa unang puwesto sa daigdig sa nabanggit na larangan.

Ito ang inilahad ni Ma Junsheng, Puno ng State Post Bureau, Martes, Pebrero 27, 2018.

Idinagdag pa ni Ma na ang nasabing bilang ay mahigit 30 beses kumpara sa taong 2007, at naging mahigit 40% ang taunang paglaki ng express delivery ng Tsina nitong 10 taong nakalipas.

Aniya pa, batay rito, pinagtibay ng pamahalaang Tsino ang kauna-kunahang regulasyon hinggil sa express delivery Pebrero 7, 2018.

Tinukoy ni Ma na 68% ng nasabing 40 bilyong express package ang galing sa e-commerce, ibig sabihin, mayroon pang agwat ang sektor ng express delivery ng Tsina kumpara sa mga kilalang kompanyang pandaigdig, pagdating sa pakikipagkoordinasyon sa industriya ng paggawa at agrikultura; transnational service; at iba pa.

Ipinalalagay ni Ma na mababasa ang mga katugong hakbangin sa nabanggit na regulasyon. Papasulungin aniya nito ang malusog na pag-unlad ng industriya ng express delivery ng Tsina.

Salin: Jade
Pulido: Rhio


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino