Tsina, tutol sa Taiwan Travel Act na pinagtibay ng Senado ng Amerika

2018-03-02 10:01:22 CRI

Beijing, Tsina--Ipinahayag ng pamahalaang Tsino ang pagtutol sa pagkakapatibay ng Senado ng Estados Unidos sa Taiwan Travel Act.

Sa regular na preskon Huwebes, Marso 1, 2018, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kahit hindi ito legally-binding, labag ito sa prinsipyong Isang Tsina at tatlong komunike sa pagitan ng Tsina at Amerika.

Hiniling din niya sa Senado ng Amerika na tumalima sa nasabing prinsipyo at mga dokumento, at maayos na hawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan, para maiwasan ang pinsala sa relasyong Sino-Amerikano.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino