Grupong diplomatiko ng Tsina sa ASEAN, nagdiriwang sa Lantern Festival at International Women's Day

2018-03-03 12:50:39

Grupong diplomatiko ng Tsina sa ASEAN, nagdiriwang sa Lantern Festival at International Women's Day

Grupong diplomatiko ng Tsina sa ASEAN, nagdiriwang sa Lantern Festival at International Women's Day

Nitong Biyernes, Marso 2, 2018, ay Lantern Festival, tradisyonal na kapistahan ng Tsina. Idinaos sa Jakarta, Indonesia ng grupong diplomatiko ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Lantern Festival at International Women's Day.  

Grupong diplomatiko ng Tsina sa ASEAN, nagdiriwang sa Lantern Festival at International Women's Day

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na para sa mga mamamayang Tsino, ang Lantern Festival ay isang napakahalagang kapistahan. Ikinasisiya aniya niya ang paglilipas ng kapistahang ito kasama ng mga kaibigan mula sa ASEAN.  

Dagdag pa niya, ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng kababaihan ng Tsina at ASEAN ay mahalagang nilalaman ng komprehensibong kooperasyong Sino-ASEAN.  

Grupong diplomatiko ng Tsina sa ASEAN, nagdiriwang sa Lantern Festival at International Women's Day

Sinabi naman ni Sari Percaya, Presidente ng ASEAN Women's Circle, na pinasasalamatan ang Tsina sa aktibong pakikilahok at pagkatig ng grupong diplomatiko ng Tsina sa ASEAN sa gawain ng ASEAN Women's Circle.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino