Unang Sesyon ng Ika-13 CPPCC, binuksan sa Beijing

2018-03-03 17:13:06 CRI

Beijing, Tsina—Binuksan Sabado, Marso 3, 2018 ang Unang Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Dumalo sa pulong ang mga lider ng partido at estado na kinabibilangan ni Pangulong Xi Jinping ng bansa.

Unang Sesyon ng Ika-13 CPPCC, binuksan sa Beijing

Unang Sesyon ng Ika-13 CPPCC, binuksan sa Beijing

Sa ngalan ng Ika-12 Pirmihang Lupon ng CPPCC, gumawa ng work report si Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng nasabing pirmihang lupon. Sinariwa at nilagom niya ang natamong bunga ng mga gawain ng CPPCC nitong nakalipas na 5 taon, at iniharap ang mungkahi tungkol sa mga gawain sa darating na 5 taon. Aniya, noong nagdaang 5 taon, kinumpleto ng CPPCC ang kayarian ng pagsasanggunian at pagtalakay ng mga suliraning pulitikal, pinalakas ang tungkulin ng demokratikong pagsusuperbisa, pinalawak ang gawin ng pagkakaisa at pagsasama-sama, at pinalakas ang kakayahan sa pagsasabalikat ng mga tungkulin.

Unang Sesyon ng Ika-13 CPPCC, binuksan sa Beijing

Ang CPPCC ay mahalagang organo ng kooperasyon ng iba't ibang partido at pagsasangguniang pulitikal na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino