Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan, mabunga: tagapagsalitang Tsino

2018-03-04 15:02:58 CRI

Beijing, Tsina--Ang taong 2018 ay ika-5 anibersaryo ng paglahad ng Tsina ng Belt and Road Initiative, at kapaki-pakinabang ang mga may kinalamang bansa sa magkasamang pagpapasulong ng inisyatibang ito.

Ito ang ipinahayag ni Zhang Yesui, Tagapagsalita ng Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) punong lehislatura ng Tsina, sa preskon ngayong araw, Marso 4. Alas-9 ng umaga bukas, Marso 5, 2018, magbubukas ang nasabing sesyon.

Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nabanggit na inisyatiba para sa komong kasaganaan. Nagtatampok ito sa mga prinsipyo ng magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagpapasulong at pagkakaroon ng mga win-win result.

Ipinagdiinan din ni Zhang na bilang inisyatibang inklusibo at pantay, lagi itong bukas sa lahat ng mga bansa na interesadong makilahok dito.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino