Bagong batas sa pagpapasulong at pangangalaga sa puhunang dayuhan, babalangkasin ng Tsina

2018-03-04 15:01:11 CRI

Beijing,Tsina--Pinaplano ng Tsina na balangkasin ang bagong batas para pasulungin at pangalagaan ang puhunang dayuhan.

Ito ang ipinahayag ni Zhang Yesui, Tagapagsalita ng Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) punong lehislatura ng Tsina, sa preskon ngayong araw, Marso 4. Alas-9 ng umaga bukas, Marso 5, 2018, magbubukas ang nasabing taunang sesyon.

Idinagdag pa ni Zhang na layon ng nasabing batas na pasulungin ang bukas na pambansang kabuhayan. Itatampok aniya ng bagong batas ang ibayo pang pagbubukas sa labas; pagpapaginhawa ng mga mangangalakal na dayuhan sa pamilihang Tsino; at transparent, matatag at pantay na kapaligirang pampuhunan para sa mga bahay-kalakal na dayuhan.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino