Kooperasyon, siyang tanging pagpili para sa relasyong Sino-Amerikano: Tagapagsalitang Tsino

2018-03-04 15:02:32 CRI

Beijing, Tsina--Ang Tsina at Estados Unidos ay may mas maraming mutuwal na benepisyo, sa halip ng pagkakaiba, at ang pagtutulungan ay ang siyang tanging tumpak na pagpili ng dalawang bansa.

Ito ang ipinahayag ni Zhang Yesui, Tagapagsalita ng Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) punong lehislatura ng Tsina, sa preskon ngayong araw, Marso 4. Alas-9 ng umaga bukas, Marso 5, 2018, magbubukas ang nasabing sesyon.

Nitong nagdaang Huwebes, sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na magpapataw ang kanyang bansa ng 25% taripa sa iaangkat na asero at 10% taripa sa aluminyo.

Idinagdag pa ni Zhang na upang malutas ang pagkakaiba, nakipagtagpo kamakailan si Liu He, mataas na opisyal sa kabuhayan at pinansya ng Tsina, sa mga counterpart na Amerikano. Sumang-ayon ang dalawang panig na lutasin ang pagkakaiba, sa pamamagitan ng kooperasyon.

Salin: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino