Tsina, igigiit ang multi-party cooperation — Xi Jinping

2018-03-05 10:38:10 CRI

Nitong Linggo ng hapon, Marso 4, 2018, bumisita si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa mga kagawad mula sa China Democratic League, China Zhi Gong Party, mga kagawad na walang partido, at sector ng mga balikbayang Tsino na kalahok sa Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Dumalo rin siya sa isang joint panel discussion upang pakinggan ang mga palagay at mungkahi mula sa mga kagawad.

Ipinagdiinan ni Xi na pumasok na ang sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong siglo. Dapat aniyang buong tatag na patibayin at paunlarin ang multi-party cooperation at political consultations system sa pamumuno ng CPC para mapatingkad ang espesyal na bentahe ng multi-party cooperation, mapaunlad ang sosyalistang demokrasya at pulitika. Ito aniya ay naglalayong komprehensibo at matagumpay na maitayo ang may-kaginhawahang lipunan.

Dagdag pa ni Xi, ang multi-party cooperation at political consultations system sa pamumuno ng CPC ay isang pundamental na sistemang pulitikal ng Tsina. Ito aniya ay isang dakilang likhang pulitikal na gawa ng CPC, mga mamamayang Tsino, iba't-ibang partido, at mga personaheng walang-partido.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino