Natamong bunga sa diyalogo ng Timog at Hilagang Korea, tinatanggap ng Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2018-03-07 12:16:51 CRI

Sa katatapos na pagdalaw kamakailan sa Hilagang Korea ng delegasyon ng espesyal na sugo ng pangulo ng Timog Korea, sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagdaraos ng summit sa Panmunjom sa Timog Korea, sa katapusan ng Abril ng kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, ipinahayag Marso 6, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na positibo ang Tsina sa natamong bunga sa pag-uusap ng Timog at Hilagang Korea.

Umaasa aniya siyang totohanang tutupdin ng dalawang panig ang mga may-kinalamang kasunduan para ipagpatuloy ang proseso ng rekonsilyasyon at kooperasyon sa Peninsula ng Korea. Ito ay hindi lamang angkop sa komong interes ng ibat-ibang panig, kundi makakatulong din sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, aniya pa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino