Wang Yi, nanawagan sa Amerika at H. Korea na magdiyalogo sa lalong madaling panahon

2018-03-08 13:01:32

Ipinahayag dito sa Beijing Huwebes, Marso 8, 2018, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na napatunayan ng katotohanan na ang "suspension for suspension" proposal na iniharap ng panig Tsino ay nakalikha ng pinakapundamental na pasubali para sa pagpapabuti ng relasyon ng Timog at Hilagang Korea. Nananawagan aniya ang Tsina sa iba't ibang panig, partikular na, ang Estados Unidos at Hilagang Korea na mag-usap at magdiyalogo sa lalong madaling panahon.

Wang Yi, nanawagan sa Amerika at H. Korea na magdiyalogo sa lalong madaling panahon

Wang Yi, nanawagan sa Amerika at H. Korea na magdiyalogo sa lalong madaling panahon

Winika ito ni Wang sa preskon ng Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina. Tinukoy pa niyang sa pamamagitan ng nangyaring madalas na pagpapalitan sa Pyeongchang Winter Olympic Games, bumuti ang kalagayan ng Korean Paninsula. Sa panahon ng nasabing olimpiyada, hindi isinagawa ng Hilagang Korea ang bagong nuclear missile test, at pansamantalang itinigil ng Amerika at Timog Korea ang kanilang pagsasanay-militar na nakatuon sa Hilagang Korea. Aniya, sa susunod na hakbang, dapat sundin ng iba't ibang panig ang kaisipan ng “dual-track approach,” na nangangahulugang dapat hindi lamang igiit ang target ng denuklearisasyon, kundi aktibo ring itatag ang mekanismo ng kapayapaan ng Korean Peninsula. Ito aniya ay palagiang paninindigan ng panig Tsino, at target na tiniyak ng resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC).

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino