Malinis at matapat na ekolohiyang pulitikal, pinagtuunan ng pansin ng pangulong Tsino

2018-03-11 15:19:37 CRI

Beijing, Tsina--Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang malinis at matapat na ekolohiyang pulitikal at nanawagan din siya sa matataas na opisyales na manangan sa pangangasiwa ayon sa batas.

Sa kanyang pakikilahok Sabado, Marso 10, 2018 sa diskusyon ng mga deputado mula sa Munisipalidad ng Chongqing, sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, inihambing ni Xi ang ekolohiyang pulitikal sa ekolohiyang natural.

Makaraang pakinggan ni Xi ang mga mungkahi ng mga deputado hinggil sa pangangasiwa sa partido, papel ng NPC sa pamamahala ayon sa batas, dekalidad na pag-unlad ng bansa, at pangangasiwa sa ekolohiya sa kahabaan ng Yangtze River, sinabi niyang tulad ng ekolohiyang natural, ang ekolohiyang pulitikal ay madaling madungisan.

Si Pangulong Xi (ikatlo sa kaliwa) habang nakikilahok sa diskusyon ng mga deputado mula sa Munisipalidad Chongqing, Marso 10, 2018. (Xinhua/Sheng Jiapeng)

Si Xi ay nagsisilbi ring Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Ipinagdiinan din niyang ang malinis na ekolohiyang pulitikal ay hindi lamang mahalagang kahilingan sa pamumuno ng CPC, makabuluhang garantiya rin ito sa pagsasakatuparan ng mga target ng pambansang reporma at kaunlaran.

Salin: Jade
Pulido: Rhio


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino