Civil code ng Tsina, kasalukuyang ikinu-compile

2018-03-12 12:27:01 CRI

Beijing,Tsina—Kasalukuyang ikinu-compile ng Tsina ang Civil Code makaraang pagtibayin ang General Provisions of the Civil Law, noong 2017.

Ito ang ipinahayag ngayong araw, ni Wang Chaoying, Pangalawang Direktor ng Komisyon sa mga Suliraning Pambatas ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongreso (NPC), punong lehislatura ng Tsina sa idinaraos na sesyon ng ika-13 NPC.

Idinagdag pa ni Wang na ayon sa inisyal na plano, ang naturang kodigo ay binubuo ng mga bahaging may kinalaman sa mga property right, kontrata, tort liability, kasal at pamilya, at pagmamana.

Nakatakdang pagtibayin ng Tsina ang nasabing Civil Code sa 2020.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino