Lider ng Tsina, nakiramay sa pagbagsak ng eroplano ng Bangladesh sa Nepal

2018-03-14 12:16:31 CRI

Nagpadala Marso 13, 2018 ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang mga counterpart na si President Md. Abdul Hamid ng Bangladesh at President Bidya Devi Bhandari ng Nepal bilang pakikiramay sa pagbagsak ng eroplanong pampasahero ng Bangladesh sa Nepal.

Sa mensahe, ipinahayag ng Pangulong Tsino ang pakikiramay sa mga biktima sa pangyayaring ito at kanilang mga pamilya.

Nang araw ring iyon, nagpadala ng mensahe si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang mga counterpart na si Punong Ministro Sheik Hasina ng Bangladesh at Punong Ministro K.P. Sharma Oli ng Nepal bilang pakikiramay sa pangyayaring ito.

Nauna rito, bumagsak ang eroplanong pampasahero ng Bangla Airlines sa Tribhuvan International Airport, Nepal. 49 na pasahero ang nasawi at 22 iba pa ang nasugatan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino