Panig Tsino, nakikidalamhati sa pagyao ni Stephen Hawking

2018-03-15 12:47:44 CRI

Miyerkules, Marso 14, 2017, ipinahayag sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na si Ginoong Stephen Hawking ay isang namumukod na siyentipiko na nakipaglaban sa sakit, at gumawa siya ng napakalaking ambag para sa siyensiya at sangkatauhan. Nagpahayag din si Lu ng kalungkutan sa pagyao ni Hawking.

Yumao kahapon ang kilalang Britanikong physicist na si Stephen Hawking sa edad na 76.

Pagbisita ni Stephen Hawking sa Temple of Heaven, Beijing, noong Hunyo, 2006.

Sinabi ni Lu na tatlong beses na bumisita sa Tsina si Hawking, at kinatagpo siya ng mga lider na Tsino. Masaya rin aniyang nakipagpalitan sa kanya ang mga siyentipikong Tsino at tagahanga ng siyensiya. Ani Lu, pinahalagahan ni Hawking ang pag-unlad at konstruksyon ng Tsina, at mataas ang pagtasa niya sa progreso ng siyensiya't teknolohiya ng Tsina. Mahilig aniya si Hawking sa kulturang Tsino, at sa tulong ng kanyang asistente, naisakatuparan niya ang pangarap ng pagyapak sa Great Wall. Magpakailanma'y hindi malilimutan ng Tsina si Ginoong Hawking at ang kanyang mga ambag, dagdag ni Lu.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino