Autopilot car, ilulunsad ng Baidu at King Long

2018-03-15 16:46:56 CRI

Beijing, Tsina—Sa taong ito, ilulunsad ng Baidu, Internet giant sa Tsina, kasama ng Xiamen King Long United Automotive Industry Co., Ltd ang autopilot car.

Sa preskon ngayong araw, Huwebes, Marso 15, 2018, ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pampulitika ng Tsina, sinabi ni Li Yanhong, Chief Executive Officer ng Baidu na small-scale lamang ang produksyon ng nasabing sasakyang-de-motor. Simula taong 2019, makikipagtulungan ang Baidu sa mga kompanya ng sasakyang-de-motor para ilunsad ang mga autopilot bus, dagdag pa ni Li. Si Li ay miyembro rin ng CPPCC.

Si Li Yanhong, CEO ng Baidu sa preskon, Marso 15, 2018.

Ang Baidu ay nangunguna rin sa artificial intelligenc (AI). Ipinalalagay ni Li sa susunod na 20 hanggang 50 taon, ang AI ay magsisilbing pangunahing puwersa sa pagpapasulong ng kabuhayan ng Tsina.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino