DZME reporter: Taunang Sesyon ng NPC at CPPCC sa 2018 isang mahalagang kaganapan sa mundo

2018-03-15 18:53:51

DZME reporter: Taunang Sesyon ng NPC at CPPCC sa 2018 isang mahalagang kaganapan sa mundo

Sa Two Sessions na kasalukuyang ginaganap sa Beijing, isang Pilipino ang nabigyan ng pagkakataon na makita ang mga kaganapan hinggil sa Taunang Sesyon ng National People's Congress at Chinese People's Political Consultative Conference para sa taong 2018.

Siya ay si Peter Paul Sales, mamamahayagaag ng DMZE.

Sa panayam ng CRI Filipino Service ipanahayag niya ang kagalakang marating ang Tsina sa kauna-unahang pagkakataon. At bilang nag-iisang Filipino reporter na saksi sa mahalagang legislative process ng Tsina, ani Sales lipos siya ng kasiyahan at di niya akalain na ganito ito kalaki at kahalaga ang Two Sessions sa mundo.

Para kay Sales, mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga lider ng Pilipinas ang mga economic reforms na ihinain sa sesyon. Ang rason aniya, “Ang partnership ng Tsina at Pilipinas ngayon ay lumalakas. At dapat maging bahagi ang Pilipinas sa Belt and Road Initiative ng Tsina. Magandang sumasabay ang Pilipinas sa ganitong mga plano na ginagawa ngayon ng Tsina.”

Hinggil sa kasalukuyang lagay ng relasyon ng Tsina at Pilipinas, sinabi niyang hinahangaan niya ang kasalukuyang Pamahalaang Pilipino sa pagbubukas ng pinto sa Tsina. Ayon sa kilalang radio personality, ang buong mundo kumukuha ng supply sa Tsina at dito rin nagpapagawa. Kaya walang dahilan para hindi isulong ang ugnayan sa Tsina. Dagdag niya, inilalapit ng Tsina ang Pilipinas para marating ang estado nito sa bilang isang mabilis na umuunlad na bansa.

Sa loob na halos dalawang linggong pamamalagi sa Beijing, kwento ni Sales,  mas kilala bilang Tito Potato sa radyo, na marami siyang nabasag na maling akala hinggil sa Tsina. “Marami akong natutunan dito. Lahat sila mahal ang inang bayan. Yung sidhi ng pagmamahal at kagustuhang protektahan ang bansa ipinakikita ng mga reporter. Ito ay isang bagay na magandang matutunan.”

Ulat: Mac Ramos

Larawan: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino