Talakayan tungkol sa Tsina, idinaos sa China Cultural Center sa Bangkok

2018-03-25 15:38:05

China Cultural Center in Bangkok - Idinaos nitong Sabado, Marso 24, 2018, ang talakayan at simposyum na pinamagatang "Pagtuklas sa Tsina, Katuturang Pandaigdig ng Landas ng Tsina."

Bumigkas ng talumpating pinamagatang "Katuturang Pandaigdig ng Landas ng Tsina" si Zhang Weiwei, Puno ng Instituto sa Tsina ng Fudan University. Samantala, sa kanya namang talumpating pinamagatang "Pag-unlad ng Tsina sa Mata ng Thailand," inilahad ni Surasit Thanadtang, Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Estratehikong Kooperasyong Thai-Sino ng Pambansang Instituto ng Thailand ang atityud ng mga mamamayan at lipunang Thai sa pag-unlad ng Tsina.

Ang nasabing aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng Embahadang Tsino sa Thailand, at Pambansang Instituto ng Thailand na dinaluhan ng mahigit 200 panauhin at mamamayang lokal. Layon nitong pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Thailand, at palalimin ang kaalaman ng mga iskolar at mamamayang Thai sa pulitikang Tsino.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino