Tsina, pasusulungin ang kooperasyong panggugubat sa Asya-Pasipiko

2018-03-26 15:55:38 CRI

Idinaos ngayong araw, Lunes, ika-26 ng Marso 2018, sa Beijing ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Asia-Pacific Network for Sustainable Forest Management and Rehabilitation (APFNet).

Sa kanyang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Peng Youdong, Pangalawang Puno ng Pambansang Administrasyon ng Kagubatan at Damuhan ng Tsina, na patuloy na kakatigan ng kanyang bansa ang APFNet, at pasusulungin, kasama ng iba't ibang ekonomiya sa Asya-Pasipiko, ang kooperasyong panggugubat, para panumbalikin ang kagubatan sa rehiyong ito.

Sa aktibidad na ito, sinimulan din ang mekanismo ng transnasyonal na pangangalaga sa mga mailap na hayop sa Lancang-Mekong River, at mekanismo ng kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya sa panggugubat ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino