Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa bagong Pangulong Myanmese

2018-03-29 09:35:13 CRI

Nagpadala ng mensaheng pambati Marso 28, 2018 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Win Myint, bagong halal na Pangulo ng Myanmar.

Sinabi ni Pangulong Xi na bilang tradisyonal na magkatuwang na kapitbansa, nananatiling matibay ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Myanmar. Aniya pa, nitong ilang taong nakalipas, nananatiling madalas ang pagpapalitan ng Tsina at Myanmar sa mataas na antas, lumalawak ang pragmatikong pagtutulungan, sumisigla ang people to people exchanges, at humihigpit ang multilateral na koordinasyon. Ito aniya'y hindi lamang nagdudulot ng ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para ipagpatuloy ang pagpapatibay ng tradisyonal na pagkakaibigan at pagpapalalim ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Ito'y para ibayo pang pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership, at bigyan ng mas maraming ginhawa ang mga mamamayan ng kapuwa panig, dagdag ni Xi.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino