Tsina, positibo sa pangmatagalang kapayapaan ng Afghanistan at rehiyon-Tagapagsalitang Tsino

2018-03-29 10:43:38 CRI

Sa isang mataas na pulong hinggil sa isyu ng Afghanistan na idinaos Marso 27, 2018 sa Tashkent, kabisera ng Uzbekistan, pinagtibay ang “Deklarasyon ng Tashkent.”

Kaugnay nito, ipinahayag Marso 28 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dumalo sa nasabing pulong si Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina. Positibo aniya ang Tsina sa mapayapang rekonstruksyon at pambansang rekonsilyasyon ng Afghanistan. Umaasa aniya ang Tsina na bibigyan ng mas maraming tulong ng komunidad ng daigdig ang Afghanistan ng mas maraming tulong para sa pagpapasulong ng pambansang rekonsilyasyon, at pagbibigay-dagok sa terorismo at pagpupuslit ng droga. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa pakikisangkot ng Afghanistan sa pagtutulungang panrehiyon, kundi maging sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino