Tsina, umaasang matatamo ng Hapon ang pagtitiwala ng mga kapitbansa at komunidad ng daigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon

2018-03-29 12:22:18 CRI

Miyerkules, Marso 28, 2018, nagpahayag si Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina ng pag-asang matatamo ng Hapon ang pagtitiwala ng mga kapitbansa sa Asya at komunidad ng daigdig, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Ayon sa ulat, sa pulong ng Liberal Democratic Party (LDP) ng Hapon kamakailan, inilabas ang draft proposal sa pagsusog sa konstitusyon, kung saan, maglalagay ng karagdagang nilalaman hinggil sa Self-Defense Force sa ika-9 na artikulo. Ang pagsusog sa konstitusyon ay itinuturing ding target ng mga prinsipyo ng mga aktibidad ng LDP sa taong 2018. Ipinahayag ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, na isusulat sa konstitusyon ang hinggil sa pag-amiyenda sa tungkulin ng Self-Defense Force, at pasusulungin ang pagpapatupad ng target ng pagsusog sa konstitusyon.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Lu Kang na dahil sa isyung pangkasaysayan, palagiang pinag-uukulan ng lubos na pansin ng mga nabiktimang bansa sa World War II ang isyu ng pagsusog ng Hapon sa konstitusyong pangkapayapaan. Umaasa aniya ang Tsina na pupulot ng araw ang panig Hapones mula sa kasaysayan, makikinig sa mithiin ng mga mamamayang nagnanais ng kapayapaan sa loob at labas ng Hapon, at patuloy na igigiit ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino