Paghahanda para sa taunang BFA, maayos; Pangulong Duterte, lalahok

2018-03-29 12:44:37 CRI

Nakatakdang idaos ang taunang Boao Forum for Asia (BFA) mula Abril 8 hanggang Abril 11, 2018, sa Boao, Lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina. Kumpirmadong lalahok sa nasabing porum si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.

Ayon sa tagapag-organisa, nakatakdang matapos Abril 2 ang konstruksyon ng mga lugar na pagdarausan ng mga pulong at paghahanda sa serbisyo para sa gaganaping porum.

Sa gaganaping pagtitipun-tipon, idaraos din ang BFA Asia Media Summit, kung saan lalahok ang mga media organization mula sa Pilipinas na gaya ng People's Television Network, Inc. (PTV/PTNI), Philippine Broadcasting Service-Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS), at Manila Broadcasting Company (MBC).

BFA International Convention Center (CRI/Wu Jiaxuan)

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino