London, handa na makipagtulungan sa pag-unlad ng Xong'an New Area

2018-04-01 12:14:22

Sa isang panayam kamakailan sa Beijing, sinabi ni Charles Bowman, Lord Mayor ng London, Britanya, na mayaman ang karanasan ng London sa aspekto ng pagtatatag ng smart city. Inaasahan aniya ng kanyang lunsod ang pakikipagtulungan sa Xiong'an New Area ng Tsina, sa aspekto ng malusog at berdeng pag-unlad.

Bilang ika-690 Lord Mayor ng London, pinamunuan kamakailan ni Charles Bowman ang delegasyong komersyal ng Britanya sa Beijing, Shanghai, Shenzhen, Hongkong, at iba pang lugar.

Sinabi niya na bilang tagapagtatag ng City of London, lumagda ang Canary Wharf sa kasunduang pangkooperasyon sa Xiong'an New Area noong nagdaang Enero, 2018. Umaasa aniya siyang maibabahagi ang karanasan ng konstruksyon ng City of London sa mga Chinese partners.

Dagdag pa niya, ang Xiong'an New Area ay may pag-asang maging unang lebel na sentro ng digital finance at inobasyon sa daigdig.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino