Delegasyon ng kabataan ng Malaysia, dumalaw sa Tsina

2018-04-04 12:21:16 CRI

Kinatagpo Abril 3, 2018 ni Tan Tianxing, Pangalawang Direktor ng Samahan ng Pagpapalitang Panlabas ng Tsina ang delegasyon ng mga kabataan ng Malaysia.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Tan ang pagtanggap sa mga bisita. Mahalaga aniya ang positibong papel ng mga organisasyong Tsino ng Malaysia sa pagpapalawak ng kulturang Tsino, at pagpapasulong ng mapagkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ang delegasyong ito ay binubuo ng mga kinatawan mula sa mga organisasyong Tsino ng Malaysia na gaya ng Federation of Chinese Associations Malaysia, Malaysia-China Chamber of Commerce, at Federation of Clans and Guilds Youth Association of Malaysia.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino