Pagpapataw ng U.S. ng taripa sa mga Chinese products, makakapinsala sa kapakanan nito

2018-04-04 15:57:51

Ngayong madaling araw, Abril 4 (Beijing time), 2018, isinapubliko ng Tanggapan ng Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika ang isang listahan sa website nito kung saan nakasaad na posibleng patawan ng 25% taripa ang halos 1,300 inaangkat na produkto mula sa Tsina. Ito'y may posibleng halaga na 50 bilyong dolyares.

Ayon sa Amerikanong kinatawang pangkalakalan, ang nasabing listahan ay nagawa sa pamamagitan ng computer system. Ito aniya ay magpapasidhi sa kalungkutan ng mga Chinese exporters, subalit mabuting mangangalaga sa kapakanan ng mga American manufacturers. Ngunit, kung talagang mataimtim na isasaalang-alang ang nilalaman ng listahang ito, ang mga ginawa ng Amerika ay isang walang bisang kagawiang makakapinsala, hindi lamang sa iba, kundi sa sarili.

Bilang tugon sa kagawian ng Amerika, ipinahayag ng panig Tsino na isasagawa alinsunod sa batas, ang mga katugong hakbangin sa mga produktong Amerikano. Ayon sa pagtaya, ang nasabing mga katugong hakbangin ng Tsina ay posibleng magdulot ng parehong "lungkot" sa Amerika.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino