Tsina, papatawan ng karagdagang 25% na taripa ang 106 uri ng produktong Amerikano

2018-04-04 17:07:48

Ayon sa proklamasyong inilabas Miyerkules, Abril 4, 2018, ng Ministri ng Pinansya at Ministri ng Komersyo ng Tsina, bilang tugon sa pangkagipitang kalagayan sa Tsina na dulot ng paglabag ng Amerika sa obligasyong pandaigdig, ayon sa "Batas ng Kalakalang Panlabas ng Tsina" at iba pang batas at regulasyon at pundamental na prinsipyo ng pandaigdigang batas, papatawan ng pamahalaang Tsino ng karagdagang 25% na taripa ang mga inaangkat na produkto mula sa Amerika. Ito ay posibleng maghalaga ng 50 bilyong dolyares noong isang taon.

Ipinahayag ng Ministri ng Pinansya ng Tsina na ang panahon ng pagsasagawa ng nasabing hakbangin ay depende sa kalagayan ng pagpapataw ng Amerika ng taripa sa mga produktong Tsino.

Nauna rito, isinapubliko ng Tanggapan ng Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika ang isang listahan sa website nito kung saan nakasaad na posibleng patawan ng 25% na taripa ang halos 1,300 inaangkat na produkto mula sa Tsina. Ito'y may posibleng halaga na 50 bilyong dolyares.

Ipinalalagay ng Ministri ng Pinansya ng Tsina na ang hakbanging ito ng Amerika ay labag sa regulasyon ng World Trade Organization (WTO). Ito anito ay grabeng lumalapastangan sa lehitimong karapatan at kapakanan ng Tsina. Layon ng pagdaragdag ng Tsina ng taripa laban sa mga produktong Amerikano na ipagtanggol ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan, at pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, anito pa.

Ipinahayag din nito na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa Amerika. Umaasa itong makokontrol ang pagkakaiba ng dalawang panig sa konstruktibong paraan upang mapangalagaan ang katatagan ng relasyong ito at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino