Pagpataw ng Tsina ng taripa sa mga produktong Amerikano, pilit

2018-04-04 19:28:24

Ipinahayag sa Beijing Miyerkules, Abril 4, 2018, ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na napilitang isinagawa ng Tsina ang pagpataw ng karagdagang taripa sa mga inaangkat na produktong Amerikano na nagkakahalaga ng halos 50 bilyong dolyares. Aniya, mapagtimpi ang kagawiang ito ng Tsina.

Sinabi ni Wang na ang pagpataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino ay lumalabag sa obligasyong pandaigdig nito, at walang anumang batayan. Aniya, ang nasabing hakbangin ng Amerika ay nakakapinsala sa kapakanan ng Tsina, nagbabanta sa seguridad na ekonomiko ng Tsina, at nagsasapanganib sa pag-ahon at katatagan ng kabuhayang pandaigdig.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino