Reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina sa bagong panahon, aalamin sa taunang pulong ng BFA

2018-04-08 18:30:53 CRI

Sinimulan ngayong araw, Linggo, ika-8 ng Abril, 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, ang taunang pulong sa 2018 ng Boao Forum for Asia (BFA).

Sa taunang pulong ng BFA noong 2013, ipinangako sa daigdig ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na hindi magbabago ang Tsina sa pagsasagawa ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas. Sa kasalukuyan namang taunang pulong, ilalahad din ni Xi ang hinggil sa bagong round ng reporma at pagbubukas sa labas ng bansa.

Tsina, ibayo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas

Nakikipag-usap si Pangulong Xi sa mga kinatawan ng mga kompanyang Tsino at dayuhan na kalahok sa taunang pulong ng BFA noong 2013 (photo credit: Xinhua)

Sa taunang pulong ng BFA noong 2013, nagtanong ang mga kalahok na kinatawan ng mga kompanyang dayuhan kay Pangulong Xi, hinggil sa kalagayan ng pagbubukas ng Tsina sa hinaharap.

Ang sagot ni Xi sa kanila ay: hindi sarado ang pinto ng Tsina sa labas.

Ani Xi:

May kakayahan ang Tsina na panatilihin ang paglaki ng kabuhayan nito sa medyo mataas na antas.
Patuloy na igagarantiya ng Tsina, alinsunod sa batas, ang mga lehitimong karapatan ng mga kompanyang dayuhang may pamumuhunan sa bansa.
Tinututulan ng Tsina ang anumang porma ng proteksyonismo, maayos na lulutasin ng Tsina ang hidwaang pangkabuhayan at pangkalakalan sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagsasanggunian, at itataguyod ng Tsina ang pandaigdig na multilateral na sistemang pangkubuhayan at pangkalakalan, na may pagkabalanse, win-win situation, at tampok sa pag-unlad.

"Belt and Road" Initiative, para sa kasaganaan at kaunlaran ng Tsina at daigdig

Iniharap ni Pangulong Xi ang hinggil sa Silk Road Economic Belt sa kanyang pagdalaw sa Kazakhstan noong Setyembre 2013  (photo credit: Xinhua)

Iniharap ni Pangulong Xi ang hinggil sa 21st-century Maritime Silk Road sa kanyang pagdalaw sa Indonesya noong Oktubre 2013 (photo credit: Xinhua)

Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st-century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative. Aniya, ito ay para ibahagi sa mga bansa ang pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina, at isakatuparan ang komong kasaganaan.

Ang "Belt and Road" ay bagong plataporma na iniharap ng Tsina, para sa pagbubukas at pagtutulungan ng kabuhayang pandaigdig.

Hanggang sa kasalukuyan, nilagdaan ng Tsina at mahigit 40 bansa at organisasyong pandaigdig ang kasunduang pangkooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.
Isinasagawa ng Tsina at mahigit 30 bansa ang kooperasyon sa production capacity.
Lumampas sa 50 bilyong Dolyares ang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansang kalahok sa "Belt and Road."
Nagkaloob ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ng 1.7 bilyong Dolyares na pautang sa mga bansang kalahok sa "Belt and Road."
Lumampas sa 4 na bilyong Dolyares ang pamumuhunan, sa ilalim ng Silk Road Fund.
Itinayo ng mga bahay-kalakal na Tsino ang 56 na sona ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa mahigit 20 bansa. Ang mga ito ay nagdulot ng halos 1.1 bilyong buwis at 180 libong hanapbuhay sa mga bansang ito.

Mga Free Trade Pilot Zone, mahalagang hakbangin ng pagbubukas ng Tsina

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino